2,673 Lagda
Layunin: 5000 Lagda or signatura
Isang imbitasyon para sa Global Christian Community upang magpakita ng pagsuporta sa Israel!
LAGDAAN ang Isang Internasyonal na Deklarasyon ng mga Kristiano Para sa Kontemporaryong Mga Karapatan ng mga Judio sa Ninunong Sariling Bayan.
Paki-lagda at paki-pasa upang makakuha pa ng posibleng maraming lagda sa iba- ito ay magpapakita sa buong mundo ng pagkakaisa at lakas ng Kolektibong boses ng mga Kristiyano na nagsasaad ng pagmamahal at pagsusuporta sa mga Judio (God’s people)!
DEKLARASYON NG KRISTIYANONG PAGSUPORTA
Para Sa Biblikal At Mga Katutubong Karapatan Ng Mga
Isang Internasyonal na Deklarasyon ng mga Kristiano Para sa Kontemporaryong Mga Karapatan ng mga Judio sa Ninunong Sariling Bayan
Inilaan para sa Global Christian Community, ang International Declaration of Christian Support for Jewish Biblical and Indigenous Rights ay itinatag sa mga sumusunod na bersikulo at mga pangako sa Bibliya, na Salita ng Diyos.
Ang mga banal na kasulatang ito para sa walang pag-alinlangan at ayon sa kategoryang pagtawag sa mga naniniwala sa Bibliya upang maipakita ang walang kondisyon na pagsuporta sa Israel at sa mga Judio sa pamamagitan ng iyong panalangin at aksyon, ayon sa Kalooban at Kasulatan ng Diyos tulad na nakasaad:
-
Ibinigay ng Diyos ang tiyak na heograpikal na lupain sa mga ninuno ng Bayan ng Israel na kilala bilang Eretz Yisrael, o ang Roman na pangalan ay Palestine. (Gen. 17:8, 48:4, Ex 12:25)
-
Ang Eretz Yisrael ay heograpikal kinikilalang ngayon bilang isang modernong Israel, na kasama- ang buong Judea at Samaria (ayon sa tatak ng mga British bilang “West Bank”).
-
Ang pagbabalik ng mga Judio sa kanilang ninunong sariling bayan para sa mapayapang pamumuhay, seguridad, at kaligtasan. (Ezek. 38:8)
-
Ang karapatan ng mga Judio upang maging Soberanya bilang isang Bansa at Pamahalaan sa kanilang lupain mula “Dan hanggang Beersheba.” (2 Sam 3:10)
-
Ang hindi nahati na Jerusalem ay isang walang hanggang na kapital (ng Judio) at estado ng mga Judio. (2 Chronicles 6: 5-6)
-
Ang patuloy na bisa ng mga pangako ng tipan ng Diyos sa mga Judio (Isa 44:21, 49:15-16, 54:10; Jer 31:35-36; 3:20-21; II Cor 1:20).
-
Ang pagkilala na ang mga Kristiyano ay hindi pinalitan ang mga Judio ayon sa tipan ng Diyos (Rom. 11:1, 18, 26)
-
Ang muling itinaguyod na Estado ng Israel bilang katuparan ng mga pangako ng kasunduan ng Diyos. (Isiah 66:8)
-
Ang mandato para sa pagtitipon ng mga Judio mula sa lahat ng bansa sa kanilang pinangakong lupa. (Isa 43:5-7, 54:7-8. Micah 2:12, Zeph 3:20)
-
Ang pag-asa para sa darating ng Mesyas ng Israel. (Zech. 12:10)
Sumusunod sa halimbawa ng 2007 UN Declaration sa Rights of the Indigenous People, ang dokumentong ito ay nagtatag ng Universal Declaration by Christians ng mga karapatan at patas na aplikasyon ng Human Rights habang nag-aaply sila sa tiyak na sitwasyon ng mga Judio sa kanilang ninunong sariling bayan ng Israel at upang mahikayat ang kanilang kaunlaran, dignidad, at kagalingan.
Tayo, ang Christian Community Worldwide, na hanggang ngayon ay nangangako ng ating katapatan sa mga katotohanan ng Salita ng Diyos at sumusuporta para sa mga Judio sa kanilang ninunong sariling bayan bilang:
Ginagabayan ng mga layunin at ng mga prinsipyo ng Bibliya, at mabuting pananampalataya sa katuparan ng mga obligasyon ipinapalagay ng bawat mananampalataya alinsunod sa Bibliya bilang Salita ng Diyos.
Pagpapatunay na ang mga Judio ay espesyal na pinili ng Diyos mula sa lahat ng ibang pang mga tao sa mundo, habang kinikilala ang kanilang mga karapatan (bilang mga Judio) at upang maging iba sa lahat ng tao, at upang isaalang-alang ang kanilang mga sarili na-naiiba, at upang igalang, na ang mga Judio may hawak at may karapat-dapat sa natatanging posisyon ng pagkakaroon, ipinagkatiwala, at itinalaga bilang tagabantay ng “libro”, na ang Salita ng Diyos at ang paniniwala sa iisang Diyos lamang, bilang Tunay na Diyos, Lumikha, at Master ng Universo.
Ulit na Pagpapatunay na ang mga Judio, sa pagsasakatuparang ng kanilang mga karapatan bilang mga tao na pinili ng Diyos, ay dapat malaya sa mga anumang uri ng diskriminasyon.
Pagkukumbinsi na ang mga Judio nagdusa mula sa kawalang-katarungan kasaysayan bilang isang resulta ng inter alia, ang kolonisasyon at ang pag-agaw ng karapatan sa pagmamay-ari ng kanilang lupain, teritoryo, at mga magpapakunan, sa gayon na pumipigil sa kanila na sa paggamit, partikular sa kanilang karapatan sa kaunlaran alinsunod sa kanilang sariling pangangailangan, mga interes, at relihiyon;
Pagkikilala ang kagyat na pangangailangan upang igalang at itaguyod ang mga likas na karapatan ng mga Judio mula sa kanilang pampulitika, ekonomiya, at mga istrukturang panlipunan, at mga kultura, relihiyon, and makaespiritwal na tradisyon, kasaysayan at pilosopiya, lalo na sa kanilang karapatan sa mga ninunong lupain, mga teritoryo at mga mapagkukunan.
Pagkikilala na ang paggalang sa mga Judio sa kanilang kaalaman, kultura, relihiyon, at tradisyunal na paggamit ay mag-aambag na mapanatili at mapantay-pantay na pag-unlad at wastong pamamahala ng kapaligiran sa kanilang ninunong sariling bayan;
Pagkikilala din sa kagyat na pangangailangan sa paggalang at sa pagsulong ng karapatan ng mga Judio bilang pagpatunay sa mga binubuklod na karapatan, kasunduan at sa iba pang nakapagbibigay-liwanag na pakikipag-ayos na tinapos sa San Remo noong Abril 1920 at kasunod na pinagtibay sa pamamagitan ng League of Nations at ang kanyang kahalili, ay ang United Nations.
Sasalubunging ang katotohanan na ang mga Judio magkakaroon at magpapatuloy na magtatag sa kanilang politikal, ekonomiya, lipunan, kultura, at relihosong pagpapahusay upang magdala ng katapusan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aapi saan mang gaganapin laban sa mga Judio;
Paniniwala na ang Soberanyang pamamahala ng mga Judio sa ibabaw ng kanilang lupain at mga mapagkunan ay magbibigay-daan sa kanila na mapanatili at mapalakas and kanilang mga institusyon, relihiyon, tradisyon at kultura, at upang maisulong ang kanilang kaunlaran batay sa kanilang hanggad at mga pangangailangan- at magbigay ng kaligtasan at kasaganaan sa lahat ng iba pang mga minorities na naninirahan sa Lupain ng Israel;
Isinasaalang-alang na ang mga karapatan na kinumpirma sa mga tratado, mga kasunduan, at iba pang nakapagbibigay-liwanag na pakikipag-ayos sa pamamagitan ng mga Estados na nagpapatunay sa legalidad ng pagbabalik ng mga Judio sa kanilang ninunong sariling bayan bilang kanilang soberanyang teritoryo, sa ilang mga sitwasyon, mga bagay ng internasyonal na pag-aalala, interes, responsibilidad at pagkatao;
Isinasaalang-alang ulit na ang mga tratado, mga kasunduan, and iba pang nagbibigay liwanag na pakikipag-ayos at ang relasyon na kanilang kinakatawan, ay mga batayan para sa pinalakas na pagsasamahan sa pamamagitan ng mga Judio at sa lahat ng mga Estados;
Pagbibigay-alam na ang Charter of the United Nations, the International Covenant on Economics, Social and Cultural Rights and the International Covenant on Civil and Political Rights, pati na rin ang Vienna Declaration and Programme of Action, nagpapatunay sa pangunahing kahalagahan ng karapatan sa pansariling determinasyon ng mga Judio sa kanilang ninunong sariling bayan, ayon sa kabutihan na kung saan sila nasa kalayaan upang malayang matukoy ang kanilang estadong pulitikal at upang malayang habulin ang kanilang ekonomiya, panlipunan, kultura at pag-unlad ng relihiyon;
Pagbibigay-alam na ang Declaration of Independence noong 1948 ng State of Israel bilang isang pambansang tahanan, ay upang bantayan na ligtas ang sibil at relihosong karapatan ng lahat ng mga mamamayan, anuman ang lahi o relihiyon; ay ang katuparan ng estado ng Judeo na gunita ng Principal Allied Powers, League of Nations, at ang internasyonal na pamayanan na itinakda bilang Mandate for Palestine;
Pagbibigay-alam sa pagkilala sa Israel na bilang isang indepediyenteng lupain, itinapos ang Mandate for Palestine at ang mga Judio ay naging mga benepisyaryo ng nakasunduan, tinamo ang kapangyarihan sa lahat ng teritoryo.
Bilang paala-ala na wala sa Deklarasyon, na pwedeng gamitin laban sa karapatan ng mga Judio sa pansariling determinasyon at kalayaan ng relihiyon na naisakatuparan sa internayonal na batas.
Paniniwala na sa pagkilala ng mga karapatan ng mga Judio sa Decklarasyon na ito, ay magpapatibay sa pagkakaisa at kooperatibang relasyon sa pamamagitan ng mga Estados at ng mga Judio at sa pamamagitan ng lahat ng tao na nakatira sa Lupain ng Israel basi sa prinsipyo ng katarungan, demokrasya, respeto sa makataong karapatan, di-diskriminasyon, kalayaan ng relihiyon at mabuting pananampalataya.
Hihikayatin ang Estados na sumunod at ipapatupad ang lahat ng kanilang mga obligasyon na nababatay sa mga Judeo sa ilalim ng internasyonal na instrumento, lalo na sa mga na-uugnay sa makataong karapatan, pag-aari at soberanyang karapatan sa kanilang ninunong sariling bayan at sa konsultasyon at sa kooperatiba ng mga pangangailangan ng mga tao.
Pagbibigay diin na ang Estados Unidos ay may importante at walang katapusang papel na gaganapin upang matataguyod at magtatanggol sa karapatan ng mga Judio bilang origihinal na balankas at kinikilala sa mga sumusunod na International Treaties:
-
Ang Legally Binding Document ipinagkaloob noong Abril 24, 1920 sa San Remo Conference, Italy ay kinilala na British Government’s Balfour Declaration
-
Sa Treaty of Sevres noong Agosto 10, 1920, Section VII, Articles 64 & 95 kinikilala na ang ginawang deklarasyon noong Nobyembre 2, 1917 ng British Government at pinagtibay ng iba pang Allied Powers sa pagkakatayo sa Palestine na isang pambansang bahay ng mga Judeo, na kasunod na pinagtibay ng Lausanne Treaty na itinatag noong ika-24 ng Hulyo 1923.
-
Noong ika-30 ng Hunyo 1922, ang Joint Resolution of the American House of Congress ay iisang nagtaguyod ng “Mandate for Palestine”
-
Ang Joint Resolution sa pag-aaproba ng pagtaguyod sa Jewish National Homeland ay nilagdaan noong Septembye 21, 1922 ng ika-29 na Presidente ng Estados Unidos na si Warren G. Harding, pagkatapos ng dalawang taon, ang Anglo-American Treaty ay nilagdaan ulit ng U.S. Government noong 1924.
-
Ang Mandate For Palestine ay iisang ipinahayag at pinagtibay ng 51 na nasyon noong Hulyo 24, 1922. Sa gayon, ang internasyonal na obligasyong ito ay nagpapadali sa Jewish National Home sa Palestine na nagsaad ng pagbubuklod ng isang internasyonal na obligasyon na ginamit noong September 23, 1923.
-
Na sa Article 25 ng “Mandate of Palestine” itinabi ang teritoryo sa silangan ng Jordan River bilang ika-4 na Arab State of Hashemite Kingdom of Transjordan para sa mga Palestinian Arabs at itinatalaga ang lahat na teritoryo sa kanluran ng Jordan River hanggang sa Mediterranean Sea bilang Jewish National Home- kasama ang Judeo at Samaria.
-
Sa kanilang mapayapang kasunduan sa Israel, ang Hashemite Kingdom of Jordan ay nagpawalang-bisa ng lahat ng kanilang pagmamay-ari sa ibabaw ng Judea at Samaria noong 1994.
-
Ang Muling Pagkumpirma ng mga Tratadong ito ng Internasyonal na Pamayanan noong April 18, 1946 nang ang League of Nations Assets and Duties ay inilipat sa United Nations at kinikilala sa Article 80 ng bagong nabuo na UN Charter.
-
Ang sunod-sunod na pagkilala ng Article 80 ng International Court of Justice sa 3 magkakaibang mga kaso na-napetsahan: 1) Hulyo 11, 1950; 2) Hunyo 21, 1971; 3) Hulyo 9, 2004
-
Noon Nobyiembre 29, 1947 naipasa ng UN General Assembly ang isang resolution na tumatawag sa pagkatatag ng Estado ng mga Judio sa Eretz Yisrael na kinilala bilang Resolution 181
-
Kasama sa Resolution 181 ng UN na-pinagtibay noon Nobyiembre 29, 1947 ay ang rekomendasyong hindi nagbubuklod sa pagkahati sa Palestine nababatay sa implementasyon ng mga Arabo at ng mga Judio.
-
Na ang boto laban sa Resolution 181 ng mga nasyon ng mga Arabo tulad ng Egypt, Lebanon, Syria, Iraq, at Saudi Arabia ay sumasalungat sa implementasyon at ng Paragraph C na nagtakda ng kahit anong “…kilos ng agresyon na alinsunod sa Article 39 of the Charter…” ay nagtatatag ng isang paglabag sa Resolution 181
-
That the Jordanian Hashemite Kingdom’s invasion during the course of War and annexation of the West Bank of the Jordan River Valley in 1948 until 1967 was illegal and also contrary to UN Resolution 181.
-
That the subsequent act of War by the Arabs against Israel in 1948 rendered the Resolution 181 null and void as recognized in the July 30, 1949 working paper of the UN Secretariat and is rendered null and void and thus, is no longer a valid source of rights under international law.
-
That the 1949 armistice demarcation lines hitherto known as the “Green Line” drawn up under the auspices of the UN mediator Dr. Ralph J. Bunche, was only a “ceasefire line” and was never a legally binding or recognized permanent border.
-
Israel has the strongest claim – based upon indigenous rights, historical evidence, thousands of years' continuous presence and international agreements – to all of Israel as decided upon in the San Remo agreements. This includes all of Jerusalem, including the Temple Mount, Judea & Samaria and the Golan Heights.
-
The recognition of reconstituted Nation of Israel’s declaration of Independence and Nationhood in their ancestral homeland as the State of Israel on 6th Iyar, 5708 or May 15th, 1948;
Naniniwala na ng Deklarasyong ito ay mahalagang hakbang pasulong sa pagkilala, pagpaunlad, at proteksyon ng mga nasasabing kasunduan na garantiya ng mga karapatan ang ng mga kalayaan ng mga Judio sa kanilang ninunong sariling bayan at magbibigay ng pinakamahusay na protekson sa lahat ng tao na naninirahan sa Lupain ng Israel.
Pagkilala at ulit na pagpapatunay na ang mga Judio ay may karapat-dapat sa walang patatangi-tangi sa lahat ng makataong karapatan na-kinikilala sa ilalim ng internasyonal na batas, at (ang mg Judio) taglay ang mga kolektibong karapatan na kailangang-kailangan sa pag-iiral, sa kagalingan, at sa intergral na pag-uunlad bilang mga tao.
Pagpapahayag ng katotohanan at ininirekomendang pagsunod ng lahat ng Estados and Institutions of the International Holocaust Remembrance Alliance (IHRA) depinisyon ng anti-Semitism- lalo na ang depinisyon na kung paano ang “anti-Zionism” ay isang ekspresyon ng anti-Semitism;
Mataimtim na pagpapahayag na ang Declaration of Christian Support for the Rights of the Jewish People ay isang pamantayan ng pag-yari na hinabol sa espiritu ng pakikipagtulungan at paggalang sa isa’t-isa.
Alinsunod sa espiruto ng pagpapahayag na inilabas ng Third International Christian Zionist Congress, na-ginanap sa Jerusalem noong February 1996, pinagtibay naming ang mga sumusunod na prinsipyo:
-
Ang isa at nag-iisang tunay na Diyos, Lumikha at Master ng Uniberso, pinili ang sinaunang nasyon at mga tao ng Israel na naging mga inapo ni Abraham, Isaac at Jacob, upang mabunyag ang Kaniyang plano ng pagtubos sa sanlibutan.
-
Ang Tipan ng Diyos sa mga Judio ay hindi magbabago, at dahil dito, ang mga Judio ay palaging mananatiling hinirang at pinili ng Diyos.
-
Ang layunin ng muling pagtubos ng Diyos sa mundo ay hindi magiging kompleto kung wala ang nasyon ng mga Judio.
-
Mahahalata na ang henerasyon ng mga Judio ay pinatay, inusig, inilipat sa pangalan ng Kristiyanismo o isinaalang-alang na pinalitan sa mga tipan ng Diyos sa Israel ng mga Simbahang Kristiyano.
-
Ang mga inapo ng Simbahang iyon ay hinamon na magsisi, tumigil, at huminto ng anumang kasalanan ng pagkalimot o pagtatangi laban sa mga Judio.
-
Ang modernong Pagtitipon ng mga Judio sa Eretz Israel at ang muling pagsilang ng nasyon ng Israel ay katuparan ng mga hula sa bibliya, na nakasulat sa Mosaic at New Covenant.
-
Ang mga Kristiyanong mananampalataya ay tinuruan ng Banal na Kasulatan upang kilalanin ang maka-Hebreong ugat ng kanilang paniniwala.
-
Ang mga Kristiyanong mananampalataya ay aktibong tumulong at lumahok sa plano ng pagtubos ng Diyos na tumatawag sa pagtitipon ng mga Judio at sa kanilang kumpletong panunumbalik sa Soberanya sa muling pagkabuo ng bayan ng Israel sa ngayong bilang kanilang ninunong bayan.
RETURN O' ISRAEL
Ang Retun O’ Israel (ROI) ay isang samahan ng mga Kristiyano at mga Judio na kumikilala at sumusuporta sa makabibliyang karapatan sa Soberanya ng mga Judio sa kanilang lupain ng Israel. Karapatan na legal na kinumpirma ng mga lupon ng Internasyonal na Gobyerno sa Paris, France, 1919, San Remo, Italy 1920; League of Nations 1922 at and kabago-bagong nabuo na United Nation noong 1947.
Ang aming layunin ay maghandog ng internasyonal na MakaKristiyanong pagsuporta patungo sa pagkakasatuparan ng kabuoan ng Soberanya ng mga Judio sa Israel na pinaniniwala na magdadala ng kinabukasan ng Katubusan ng mga Judio at mga Kristiyano.
Ang ROI umaasa sa pribatong mga donasyon at hindi direktang tumatanggap (direkta or di-direkta) ng mga pondo sa anumang gobyierno (lokal o banyaga). Ang mga video, mga papel, at iba pang pahayagan ay libreng inaalok sa publiko.
MAY MGA AKDA: REV ANTHONY ABMA & RABBI SHMUEL H. SOLOMON